Ano ang SentBe Wallet?

Ang SentBe Wallet ay isang convenient na paraan para mag-top up, mag-store, at mag-withdraw ng funds gamit ang iba’t ibang method, tulad ng iyong Korean bank account, ATM, at convenience stores.


Kung nakumpleto mo na ang parehong ID Verification at Bank Account Verification, maaaring kang maglagay ng hanggang 2,000,000 KRW sa iyong SentBe Wallet. Kung wala kang Korean bank account at hindi mo makumpleto ang Bank Account Verification, hanggang 500,000 KRW lamang ang maximum balance ng iyong Wallet.


Maaari mong gamitin ang iyong Wallet balance para sa parehong domestic at international transfers.