Maaari kang mag-register ng Auto-debit sa SentBe app sa pamamagitan ng pagpili ng Auto-debit sa ilalim ng Payment Method kapag gumagawa ng transfer request. Siguraduhin na ang personal na impormasyon na ilalagay mo sa app ay tugma sa impormasyon na nakarehistro sa iyong bangko.
Step-by-step guide:
1. Pindutin ang “MY” menu > I-click ang “Verification Information” > Piliin ang “My account” tab > I-click ang blue button na “Add account”
2. Tapusin ang SMS self-verification (본인인증)
3. Sagutin ang tawag para sa ARS verification at ilagay ang tamang number
4. Magpapadala ng 1 KRW sa bank account ng customer. Kailangang i-check ng customer ang sender's name (ex: S1234), at ilagay lamang ang 4-digit number sa box
5. Kung iba ang phone number na ginamit sa SMS self-verification kumpara sa phone number na nakarehistro sa SentBe, may lalabas na popup message kung gusto ng customer na palitan ito
6. Ilagay ang 6-digit passcode nang dalawang beses
7. Auto-debit complete!