Nakatanggap ako ng remittance.

1 [Magsisimula ang transfer kung nakumpleto na ang pag-verify ng identity.]

Ginagawa ang prosesong ito upang matiyak na ligtas ang mga paglilipat at isang beses lang kinakailangan ang pag-verify para sa mga unang beses na paglilipat.


*Kinakailangan ang pag-verify ng identity sa unang pagkakataon kapag gumagamit ng parehong receiving account, at kailangan ang muling pag-verify kung binago ang receiving account.



2 [Hindi pa ako nakapagtransfer ng pera sa pamamagitan ng SentBe. Bakit kailangan kung matanggap ang transfer mula sa SentBe?]

Ang overseas money transfer company ay kasosyo ng SentBe na ginamit upang mag-aplay ng overseas transfer. Samakatuwid, kahit na ang pagtransfer ng pera ay ginawa sa isang Korean bank, dapat kumpletuhin ng recipient ang pag-verify ng identity sa SentBe.



3 [Ano ang SentBe?]

Ang SentBe ay isang kompanyang fintech na dalubhasa sa pagpapadala sa ibang bansa simula noong 2015. Sa kasalukuyan, maaaring magpadala sa halos 50 na mga bansa at patuloy itong lumalago sa ibat-ibang parte ng mundo.


Ang SentBe ay opisyal na kaakibat ng Welcome Savings Bank sa pagpapadala sa ibang bansa. Ito rin ang unang Korean fintech na `may opisyal na kasunduan sa mga nangungunang kumpanya ng pagpapadala tulad ng Moneygram at Ripple. Dahil sa higit na natatanging 40 na mga ka-partner, nagiging mas madali, mura, at mabilis ang pagpapadala ng pera sa buong mundo.


4 [Magkano ang maximum na halaga ang maaari kong ipadala sa South Korea?]

Legally, kapag nagpapadala ng foreign currency sa Korean won (KRW), itatakda ang limitasyon sa pagtransfer sa recipient.

Ang kabuuang money transfer na matatanggap ng isang tao (recipient) sa loob ng 1 taon ay 50,000 USD.