Maaari mong i-delete ang iyong account, pindutin ang "My" > Profile > Delete.
1. Hindi mo maaaring i-delete ang iyong account sa mga sumusunod na kaso:
- Kapag mayroon kang pinoprosesong padala;
- Kapag nagwi-withdraw ka ng pera mula sa iyong Wallet;
- Kapag ang iyong Wallet ay may natitirang halaga: tingnan ang "MY" > Wallet (Cash) I-withdraw.
Tiyakin na kumpleto ang lahat ng proseso ng withdrawal at padala bago mo i-delete ang iyong account.
2. Tandaan ang mga sumusunod:
- Hindi ka maaaring mag-log in sa iyong dinelete na account.
- Kung umalis ka, mawawala ang iyong transfer history. Kontakin ang Customer Center para sa iyong transfer history statement.
- Kung umalis ka, ang lahat ng iyong SentBe cash, credit, coupon, at lucky box na iyong nakolekta mula sa iyong mga pagpapadala ay mawawala.
- Kung umalis ka, hindi na ito maibabalik muli.
- Ayon sa mga Tuntunin at Kondisyon, ang iyong personal na impormasyon ay itatago ng 5 taon pagkatapos umalis sa Sentbe.
3. Maaari kang gumawa muli ng SentBe account gamit ang cellphone number at email address na ginamit mo bilang iyong ID bago mo i-delete ang iyong account.
4. Tinatago ng SentBe ang personal na impormasyon ng mga gumagamit hanggang sa i-delete nila ang kanilang account. Ang lahat ng nakatago na personal na impormasyon ay mabubura kapag i-delete ng mga user ang kanilang account. Gayunpaman, ang SentBe ay legal na obligado na magtago ng sumusunod na impormasyon sa loob ng 5 taon para sa pagsunod sa mga kaugnay na batas at regulasyon ng transaksyon sa foreign exchange, maliit na halaga ng negosyong remittance sa ibang bansa at anti-money laundering negosyo, mga detalye ng pagbabayad ng mga domestic at dayuhang nagbabayad at tatanggap, ang pag-iwas sa iligal na paggamit at pang-aabuso, at mga hindi pagkakaunawaan at paghawak sa reklamo ng customer:
- Mga kopya ng mga dokumento at pagkakakilanlan upang i-verify ang mga customer, kabilang ang mga tagapag-alaga at/o aktwal na mga may-ari, at anumang mga dokumento upang kumpirmahin o i-verify ang pagkakakilanlan ng user
- Karagdagang mga dokumento maliban sa impormasyon ng pagkakakilanlan ng customer upang i-verify ang mga layunin at katangian ng mga transaksyong pinansyal; at
- Mga kopya ng data, mga aplikasyon ng transaksyon, mga kasunduan, mga pahayag o mga sulat na naglalaman ng mga bank account, mga uri ng serbisyo, ang petsa ng mga transaksyon, mga pera at mga halaga ng transaksyon.
Mangyaring sumangguni sa Privacy Notice para sa higit pang mga detalye.