Oo, maaaring i-refund ng SentBe ang mga transaksyon sa kahilingan ng nagpadala sa sumusunod:
1. Ire-refund ng SentBe ang mga hindi kumpletong transaksyon na na-refund sa SentBe mula sa beneficiary bank o partner kung sakaling magsumite ang nagpadala ng di-wastong impormasyon ga bangko at walang ibang paraan upang magbigay ng tamang impormasyon o muling iproseso ito sa pamamagitan ng ibang pay out method.
2. Ire-refund ng SentBe ang transaksyon kung hindi makumpleto ng SentBe ang transaksyon pagkatapos ng 15 araw mula sa petsa ng pagtanggap ng paunang deposito ng nagpadala.
3. Ire-refund ng SentBe ang transaksyon kung tumanggi ang beneficiary bank o partner na iproseso ang paglilipat dahil sa compliance/Anti-Money Laundering.
Ang mga transaksyon sa bangko at e-wallet na nakumpleto ng system ngunit naglalaman ng di-wastong impormasyon ng bangko na isinumite ng nagpadala ay maaaring hindi i-refund. Gayunpaman, gagawin ng SentBe ang lahat para tulungan ang tatanggap sa pagkuha ng halaga.
Maaaring i-refund ng SentBe ang halaga ng paglipat pabalik sa iyong Wallet. Depende sa bawat kaso, ang mga bayarin sa paglipat ay maaaring isama o hindi sa refund.