Gaano kaligtas ang SentBe?

Ang SentBe ay isang lisensyadong kompanya para sa overseas remittance at rehistrado sa Ministry of Strategy and Finance ng Korea (mula pa 2017) at sa Monetary Authority ng Singapore (mula 2020). Kasalukuyan naming hawak ang mga sumusunod na lisensya:


1. Small Amount Overseas Remittance Registration License, Ministry of Strategy and Finance (No. 2017-12);

2. Korea Electronic Payment Agency License (No. 02-004-00155);

3. Foreign Exchange Business Registration License, Ministry of Strategy and Finance (No. 2020-04); and

4. Major Payment Institution license for Cross-border Money Transfer Service (PS20200348), Monetary Authority of Singapore.

5. PCI-DSS certification.

6. ISO 27001 / ISO 27701 Certification.


Ang aming pamamalakad ay naaayon sa mga lokal na batas at sa mga pamantayang ipinapatupad ng mga hurisdiksyong aming ginagalawan. Sa masugid naming pagsunod sa batas, nasisiguro naming ang mga gumagamit ng aming serbisyo ay nabibigyan ng komprehensibong proteksyon. Ang personal na impormasyon at mga transaksyon ay naka-encrypt at protektado ng TLS (Transport Layer Security) at P2P technology upang maiwasan ang mga phishing scam. Nagsasagawa rin kami ng regular na pagsusuri sa seguridad alinsunod sa mga pamantayan ng mga lokal na kinauukulan.