Ang SentBe ay isang kompanyang fintech na dalubhasa sa pagpapadala sa ibang bansa simula noong 2015. Sa kasalukuyan, maaaring magpadala sa halos 50 na mga bansa at patuloy itong lumalago sa ibat-ibang parte ng mundo.
Ang SentBe ay opisyal na overseas remittance partner ng Welcome Savings Bank, at ito ang unang Korean fintech na nakipagsosyo sa mga nangungunang kumpanya ng remittance gaya ng Moneygram at Ripple. Dahil sa higit na natatanging 40 na mga ka-partner, nagiging mas madali, mura, at mabilis ang pagpapadala ng pera sa buong mundo.